Hindi Ito Biro!: Malayang Paksa :))

Linggo, Disyembre 18, 2011

Malayang Paksa :))

                                    Sino Kaya sa Mundo ang Hindi Maiinis sa Kanila?

 Habang nagchecheck ako ng facebook, napansin ko ang isang post ng aking kamag-aral. Repost pala yun, galing kay Bb. Zyvi. Agad-agad akong nag-isip ng isang malayang paksa, at heto na nga iyon. Mga bagay na kinaiinisan ko sa isang tao.

Sino kaya sa mundo ang hindi maiinis sa mga pangit na nagmamaganda? Ang ibig kong sabihin sa mga hindi naman kagandahan pero maarte pa sila sa mga artista. Hindi naman ako mapanghusga pero sa tuwing makakakita ako ng mga ganyan (yung mga nabanggit ko kanina) ay nag-iinit ang dugo ko. Hindi dahil mayroon silang tiwala at malaki ang kumpiyansa nila sa sarili. Naiinis lang naman ako dahil hindi naman angkop sa kanila ang mga ikinikilos nila sa anyo nila. Sa halip na maging simple sila ay kung anu-ano pa ang ginagawa kaya marahil hindi sila nagkakaroon ng mga totoong kaibigan sapagkat sila mismo ay hindi totoo sa mga sarili nila.

Sino naman kaya sa mundo ang hindi maiinis sa mga nagmamagaling? Isa pa sila sa mga taong kinaiinisan ko, ang mga taong akala mo kung sinong magaling. Ayos lang sana kung matalino talaga sila at lagi silang tama subalit hindi, lagi naman silang nanghuhula at akala nila ay laging tama ang mga sinasabi nila. At ang pinakanakakainis ay itinatama mo na sila, e, sila pa ang galit. Naku!!!

Heto pa, hindi ka ba maiinis sa mga taong mahilig magreklamo? Ok lang naman magreklamo kung minsan e, yung masama lang pati ang mga maliliit na bagay ay nirereklamo pa. Tapos minsan ang pangit pa sa mga mareklamo ay nakikinabang din. Minsan naman gumagawa na, nagrereklamo pa. At kung minsan naman kung kailan tapos at nakinabang na, dun magrereklamo. Bakit hindi na lang kaya sila sumunod kung nakikinabang din naman sila? Oo, hindi rin tama ang tanggap lang nang tanggap o sunod lang nang sunod baka maabuso ka.

At heto pa, hindi ka ba maiinis kung napakaingay ng mga taong nasa paligid mo, wala namang party. Sabungan ang drama. Daig pa ang pwet ng manok, walang tigil ang pagbukas-sara ng mga bibig nila. Pagkatapos wala namang saysay ang mga pinagsasabi nila. Marahil naging kaugalian na nila ang dumaldal at mag-ingay subalit hindi pa rin maganda ito sapagkat masyadong napakamakasarili ang gawain nila. Kailangan din nilang isaalang-alang ang kanilang kapaligiran.

Iilan lang ang mga iyan sa mga ayaw ko. Marahil sa iba ayos lang sa kanila ang mga ganyan. Matamaan ka man, wala akong pakialam basta ako, ayaw ko sa mga ganyan. Iba-iba naman kasi ang pananaw ng mga tao. Isang bagay lang talaga ang puno't dulo ng mga bagay na ito. Ito ay ang kawalan ng disiplina at respeto nila sa kanilang mga sarili. Sabi nga nila, "Ang lahat ng sobra ay hindi maganda". Maaari mo naman gawin ang lahat e, ilagay mo lang sa tamang lugar at oras.

~Jay Rick M. Mamangun
~ECE 1-C







                  

1 komento: